Una sa Balita

1M euro tinangay ng armored van driver

0 453

Isang driver ng armored cash delivery ban ang naglaho sa Paris noong Lunes, tangay ang halos isang milyong euro o P58 milyon.

Ayon sa ulat, tumigil sa harap ng Western Union office ang van dakong alas-sais nang umaga sa Aubervilliers at bumaba ang dalawang empleyado papasok ng opisina.

Paglabas ng dalawa, wala na ang van. Natagpuan ang van may ilang bloke ang layo mula sa opisina pero bukas na ang pinto, wala ang driver at ang isang milyong euro.

Ikinasa naman ng anti-gang squad ng France ang imbestigasyon sa pagkawala ng pera sa armored van.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy