Una sa Balita

1M depektibong bakuna sa China, nabuking

0 415

Tinatayang isang milyong bakuna para sa mga bata sa China ang natuklasang de­pektibo.

Inanunsyo ng State Council ng China na ang second batch ng diphtheria, pertussis and tetanus (DPT) vaccines, na ginawa ng Changhun Changsheng Biotechnology, ay natuklasang ‘substandard’.

Karamihan nito ay itinurok na sa mga bata sa Shandong, pero tinitiyak naman ng awtoridad na hindi ito mapanganib sa kalusugan.

Hindi naman kuntento ang mga magulang kaya’t nag-utos si Chinese President Xi Jinping na imbestigahan ang eskandalong ito.