Una sa Balita

1M call center employees, madi-disconnect

By
0 27

Namimiligrong mawalan ng trabaho ang halos isang milyong call center agent at iba pang nasa business process management (BPM) industry kapag sinira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maayos na relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ang sektor na ito ang pinakamalaking tatamaan kapag winasak ni Pangulong Duterte ang magandang relasyon ng Pilipinas sa US.

Bukod sa halos isang milyong nagtatrabaho sa sektor na ito, nakapagbigay din sila ng US$18 bilyon sa ekonomiya ng bansa at isa sa bumubuhay sa mga Filipino bukod sa kita ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ani Lacson, kung ipapalit ni Pangulong Duterte ang Russia o China sa mawawalang negosyo at investment ng US, hindi ganu’n kadali na mag-aral ng wikang Ruso o Chinese ang call center agents.

Dahil dito, kinalampag ni Lacson ang mga adviser ni Pangulong Duterte na payuhan ang kanilang boss na hindi makabubuti sa bansa na sirain ang diplomatic relation sa Amerika.

Pero kumpiyansa si Sen. Alan Peter Cayetano­ na ang independent ­foreign policy ng admi­nistrasyong Duterte ay nakatuon sa pagkuha pa ng maraming kakampi at ‘zero enemy’.

“The President is a genius,” ani Cayetano sa isang ambush interview.