Una sa Balita

1K stranded na dayuhang turista sa Caraga, sinagip ng DOT

0 354

Sinagip ng Department of Tourism (DOT) Region 13 ang 1,044 foreign tourist sa Caraga region na naipit sa pinatupad na travel restriction at flight cancellation kaugnay ng pinairal na enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus disease crisis.

Nakipagtulungan ang DOT Region 13 24/7 Online Assistance Team sa mga local government unit upang mahanap ang mga stranded na turista upang mailikas sila.

Umabot sa 416 turista ang isinakay sa limang sweeper flight mula sa Sayac Airport sa Siargao Island patungong Clark International Airport upang doon sumakay ng eroplano pauwi ng kanilang bansa. Ang iba naman ay sinakay ng P2P bus patungong Ninoy Aquino International Airport para naman sa kanilang flight palabas ng Pilipinas.

Ang Caraga region ay binubuo ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Surigao City, Butuan City at Siargao Island.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More