1K police officers nabulaga sa drug test

By

Mahigit sa 1,000 local police officers ang nagtipon sa Pelaez Sports Center sa Cagayan de Oro City noong Sabado ng umaga sa inaasahang monthly rank inspection pero sorpresa silang isinailalim sa drug test.

Ayon kay Sr. Supt. Robert Roy Bahian, ang bagong talagang director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang nasabing sorpresang drug test ay pagpapakita ng kanilang suporta sa ipinatutupad na internal cleansing ng Philippine National Police (PNP).

“Layon po namin na i-regain ang public’s trust after numerous reports of corruption sa aming hanay,” wika ni Bahian.

Sinabi ni Bahian na ang mga pulis na lalabas na positibo sa ilegal na droga ay haharap sa kasong kriminal.

SHARE