Una sa Balita

1K nanlaban, tinodas ng pulis sa US noong 2017

By
0 1,267

Tinatayang 1,000 katao ang binaril at napatay ng mga pulis sa Estados Unidos, ayon sa tala na inilabas ng Washington Post noong Lunes.

Umaabot sa 987 katao ang napatay ng mga pulis noong nakaraang taon, bahagyang mataas sa 963 naitala noong 2016 at mas mababa naman sa 995 death toll noong 2015.

Sinimulan ng nasabing dyaryo ang paglilista ng mga napatay ng pulis sa pamamaril mula 2015, sa pamamagitan ng local news reports, public records at social media.

Sa mga nakalipas na taon ay tinutukan ng marami ang paggamit ng deadly force ng U.S. police bunsod ng mga insidente ng pamamaril sa mga negrong kalalakihan na nanlaban umano subalit wala namang armas.

Noong nakaraang taon, umaabot sa 19 African-American na hindi armado ang pinatay ng pulis, bahagyang mataas sa 17 noong 2016 subalit malaki ang ibinaba kumpara sa 36 noong 2015.

“The national spotlight on this issue has made officers more cautious in unarmed situations,” paliwanag ni Chuck Wexler, executive director ng Police Executive Research Forum.