Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1K kaso ng dengue naitala sa Pangasinan

0 394

Pumalo sa mahigit isang libong kaso ng dengue ang naitala sa buong lalawigan ng Pangasinan mula Enero ay hanggang sa kasalukuyan, ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PPHO).

Ayon kay PPHO officer Dr. Anna Marie de Guzman, ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa 1,274 na kaso na naitala sa parehong period noong 2019. May mataas na kaso ng dengue sa lungsod ng San Carlos, bayan ng Calasiao, Binmaley , Bugallon at Santa Barbara.

Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ang mga tao na kapag nilalagnat na ng ilang ilang araw ay agad pumunta sa ospital at magpatingin sa doctor sa pinakamalapit na health center para agad na masuri. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.