Una sa Balita

1K kahon ng sigarilyo na may pekeng BIR stamp nakumpiska

By
0 122

AABOT sa may daang milyong halaga ng sigaril­yo na nilagyan ng mga pekeng stamp ang nakumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City at Caloocan.

Nabatid na ­unang sinalakay ng mga ­tauhan ng BIR National ­Office Strike Force Team ang isang bahay sa Don Manuel Agregado St. Brgy. Sto. Domingo sa Quezon City, Biyernes ng gabi.

Nakuha sa naturang bahay ang may 600 kahon ng sigarilyo na may mga pekeng BIR stamp.

Ayon sa BIR, sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P105 milyon ang buwis na dapat na ­binayaran ng may-ari ng nasabing kargamento.

Ayon sa mga taong inabutan sa sinalakay na bahay, wala doon ang may-ari ng nasabing mga kontrabando na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.

Kahapon ng alas-dos ng madaling-araw, isang bahay naman sa kahabaan ng Cabatuan St., sa Caloocan City ang sumunod na nilusob ng mga awtoridad.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 kahon ng mga pekeng sigarilyo na mayroon ring mga pekeng BIR stamp.
Nabatid na kung dumaan sa ligal na pro­seso ay sinabi ng BIR na aabot sa P87 milyon ang buwis na dapat na binayaran ng may-ari ng nasabing kargamento.

Sanhi nito, mahigpit ang pagbabantay ng BIR sa mga pekeng sigarilyo dito sa Metro Manila at malaki umano ang posibilidad na dalhin sa mga lalawigan ang nasabing mga pekeng produkto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy