Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1K frontliner sa Davao nadale ng coronavirus

0 85

Tinatayang nasa 1,146 medical frontliner sa Davao Region ang nadale ng COVID-19.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH)-Davao Region Weekly Covid-19 Situationer, karamihan sa mga nagkasakit ay mga nurse na umabot na sa 269. Sa hanay ng doktor nasa 133 case ang nagkasakit, habang sa mga nurse attendant ay 89, medical technologist 51, may 103 sa mga healthcare worker, 186 sa non-medical staff, habang mayroon pang 310 non-healthcare worker na frontliner ang nahawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umabot naman sa 5 ang nasawi sa sakit habang patuloy pa rin ang pag-monitor sa mga nagpositibo.

Samantala, may 2,325 active case, 5,168 gumaling, at 286 nasawi sa Davao Region. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.