Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1K daily coronavirus case namumuro

0 110

Patuloy sa pagbaba ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at may posibilidad na bumaba pa ng 1,000 kaso sa katapusan ng buwan ng Oktubre.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, bumaba pa sa 0.67 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa dating 0.88 noong nakaraang linggo.

Sinabi ng OCTA, ang reproduction number ay ang bilang ng mga tao na maaaring ihawa ng isang pas­yente ng virus.

Ayon sa mga eksperto, ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon na buma­bagal na ang transmission o hawaan ng virus.

Nabatid pa sa OCTA, ang seven-day average sa NCR ay bumaba na rin sa 2,642 na lamang o 32% na pagbaba habang ang positivity rate naman ay nasa 14% na lamang. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.