Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1K allowance sa WFH tinulak

0 115

Naghain si Senador Francis Tolentino ng panukalang magbigay ng P1,000 non-taxable allowance kada buwan para sa mga kawani ng gobyerno at pribadong sektor na nagtatrabaho sa bahay o iyong mga ‘work from home’.

Layunin ng panukala ni Tolentino na palawakin ang sakop ng Telecommuting Act at magbigay ng insentibo para sa mga telecommuting employee, bilang pag-amiyenda sa Republic Act (RA) 11165 o kilala sa tawag na Telecommuting Act.

Ang P1,000 na non-taxable allowance kada buwan ay tugon sa dagdag ng gastusin ng mga empleyado sa kanilang utilities. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.