Una sa Balita

Chinese drug lord ₱50M ang tubos

0 429

HINDI lang umano sa recycled na droga kumikita ang ilang tiwaling pulis kundi maging sa pagpapalaya ng mga nahuli nilang mga Chinese drug lord.

Ito ang ibinunyag kahapon ni dating Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagdinig ng Senate justice and human rights committee kaugnay ng mga anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Magalong, isa rin umano sa mga modus ng mga pulis ay ipapatubos sa mga drug syndicate ang kinidnap nilang Chinese national na nahuli nila sa kanilang drug operation.

“Yung nahuli nilang Chinese ipapatubos (sa sindikato) nila let’s say P50 million. Kapag napatubos nila, huhuli sila ng ibang Chinese drug personality at yun ang palalabasin nilang hinuli nila. So very enterprising,” sabi ni Magalong.

“Usually the latest that I got investigated, P50 million para tubusin nung sindikato yung drug lords. So kumita na sa drugs, kumita pa sa nahuling Chinese,” sambit pa ni Magalong.

Kinumpirma din ni Magalong na ang mga nakapiit na Chinese drug lords sa New Bilibid Prison (NBP) ang nagpapatakbo ng buong kalakalan ng droga sa bansa.
“Lumalabas na all roads to NBP, we found out, that these Chinese personalities continue to remotely managed the drug trade in the entire country,” ayon kay Magalong.

Naniniwala din itong walang drug laboratories sa loob ng NBP. “There is no truth, walang laboratory sa NBP. Bakit ka magtatayo (sa loob), madaling magpatayo sa labas,” sabi nito.

Tinawag din ni Magalong na ‘agaw-bato’ ang recycling ng mga nakumpiskang droga na patuloy na ginagawa ng mga tiwaling pulis ngayon. Aniya, mas matindi ang recycling ng droga ngayon kumpara noong nasa CIDG pa siya.

Isiniwalat ni Magalong sa isang executive session o closed-door hearing ang pangalan ng mga pulis na sangkot sa recycling ng droga. (Dindo ­Mati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy