Una sa Balita

1979 episode ng Eat Bulaga request ng mga fan na iere

0 638

Marami naman ang natuwa sa pagpapalabas uli ng “Eat Bulaga” ng kanilang 10th anniversary show na unang ipinalabas sa ABS-CBN noong 1989.

Ang “Eat Bulaga” ay unang ipinalabas sa RPN 9 noong 1979 at lumipat sa Dos hanggang napunta sa GMA 7 noong 1995.

Kinausap ko si Ms. Jeny Ferre, ang creative boss ng “Eat Bulaga” tungkol sa episode na ni-replay nila noong Saturday. So, in-edit pa ba nila ang 10thanniversary episode na ‘yon bago ipinalabas noong Saturday sa Kapuso network?

“Matagal na na-edit ‘yon. May isang nag-e-edit lang. I’m sure may ilang part na tinanggal from the original. College pa lang kasi ako noong 10th anniversary episode ng show. Hindi pa ako part no’n,” sabi ng creative head ng noontime show na produced ng TAPE, Inc.

Ang request naman ng mga loyal fan ng Dabarkads, sana more special episodes in the past ang i-replay ng “Eat Bulaga”.

Sana nga raw ‘yung first anniversary nila noong nasa RPN 9 pa lang sila ay ipalabas din.

Wow, mas bongga kung ang first episode ng “Eat Bulaga” noong 1979 ang maipapalabas nila, huh!

Ang “Eat Bulaga” ang longest running noontime show sa Philippines dahil last year ay nag-40thanniversary na sila.

Ang bongga!

Jolina, Karla, Melai ganado magtrabaho

Ang bongga lang dahil para-paraan ngayon ang mga TV show para makapag-live sila.

Ang “Magandang Buhay” ng ABS-CBN, live tuwing Monday, Wednesday at Friday.

Nakakapag-live ang mga host na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros sa kani-kanilang bahay sa pamamagitan ng Zoom video app. At may mga guest sila, huh!

In fairness, sabi sa akin ng isa sa mga big boss ng show na si Jasmine Ignacio-Pallera, ginagawan pa rin nila ng research ang bawat live episode nila kahit nga pahirapan ngayon dahil sa enhanced quarantine at stay at home lang ang karamihan.

Sa pamamagitan nga ng video app, nagagawa nilang mag-meeting.

Ang mga gine-guest nila sa pamamagitan ng video app at nakakausap nina Jolina, Karla at Melai ay ‘yung mga puwede nilang idikit sa ilang viral story ngayon na may kinalaman sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.

Bawat nila-live video chat ng hosts nila sa “Magandang Buhay” ay kadalasan late night na bago ang live episode nila napagdedesisyunan.

“The new format kasi requires extensive research kaya kadalasan gabi na before airing day namin kami nakakatapos ng line-up ng guests,” sey ni Jasmine.

At least, hindi basta replays ang napapanood sa “Magandang Bukas” kaya maganda ring abangan ang live episode nila thrice a week!

Jef Gaitan tutok sa pagluluto

Ang “Survivor Philippines” alumna at ngayon ay cast member ng “Ang Sa ‘Yo Ay Akin” (ang bagong afternoon series ng ABS-CBN na kapalit ng time slot ng “Sandugo” na naudlot muna ang pagsisimula) ay panay rin ang luto dahil nga naka-self quarantine lang sa lugar nila sa Silang, Cavite dahil sa COVID-19.

“I cook my own food po. Healthy food. Simple and easy recipe. I learned on my own lang!” sabi ni Jef Gaitan.

“I cook nutritious food. ‘Yung mga puwedeng hindi na i-supplement using vitamin capsules. Nilalagay ko sa mga dish.

“Depende sa need ng body ko po. But I like food na high in magnesium and has anti-inflammatory properties para maganda sa heart, sa anxiety and sa skin also,” sey ni Jef.

Dahil nga sa COVID-19, nadadalas ang pagluluto ni Jef ngayon.

Kapag natapos na raw ang lockdown, padadalhan ako ng food ni Jef na siya mismo ang magluluto.

“Stay well and healthy po. Stay safe!” sey pa ni Jef.

Stay safe everyone!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More