Una sa Balita

$190M deal pirmado ni Thompson

0 310

NAKUMPLETO na rin ang isa pang major deal sa NBA – pinirmahan ni Klay Thompson ang bagong five-year deal sa Golden State Warriors.

Ilang buwan pang mawawala si Thompson habang nagpapagaling mula torn ACL na nakuha sa Game 6 ng NBA Finals nang matalo ang Warriors sa Toronto at itinaas ng Raptors ang titulo.

Halos aabot raw sa $190 million ang deal kay Thompson, pinakamalaking tinanggap ng isang free agent nga­yong July.

Pumirma si Damian Lillard ng $196 million extension sa Portland na magsisimu­la pagkatapos ng dalawang taon, pero hindi free agent ang guard.
Binitawan na rin ng Golden State si vete­ran guard Shaun Livingston, bahagi ng limang NBA Finals teams at three championship squads ng Warriors. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy