Una sa Balita

190K worker apektado ng lockdown

0 290

Mahigit 190,000 manggagawa ang naapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng mga establisimyento sa bansa dahil sa pinatupad na enhanced community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), 6,060 na mga establisimyento ay pansamantalang isinara bilang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na coronavirus.

Ang nasabing pagsasara ay nakaapekto sa 190,932 manggagawa, ayon sa ulat na inilabas ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Si Drilon ay bahagi ng Joint Congressional Oversight Committee na naatasang sumuri kung ang mga kautusan na ginawa ng executive branch ay “nasa loob ng mga paghihigpit” na nakapaloob sa Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan To Heal As One Act.

Samantala, sinabi ng DOLE na 3,082 na mga establisimyento na sumasakop sa 137,496 na manggagawa ang nagpatupad ng flexible work arrangements.

Una nito, inilagay ng Pangulo ang buong Luzon sa ilalim ng enhanced community quarantine bilang ng pagsisikap ng gobyerno na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (Mina Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More