Una sa Balita

‘19 SEAG preparation rumolyo

By
0 117

Nag-umpisa  nang rumolyo ang paghahanda ng bansa para sa pagtayong host ng 30th SEA Games 2019 nang makipag-meeting si Sen. Juan Miguel Zubiri sa Philippine Sports Commission (PSC) at Phil. Olympic Committee (POC) kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea sa Malacañang Palace kahapon.

Dumalo para sa PSC sina  Chairman William Ramirez, Senior Executive Assistant/Chief of Staff Ronnel Abrenica, at Philippine Sports Institute (PSI) ng national government sports agency, national training director Marc Edward Velasco.

Pumunta rin sina POC president Jose Cojuangco, Jr. kasama si secretary general Stephen Hontiveros, special assistant Tomas Carrasco, Jr., legal staff Chippy Espiritu, national sports associations affairs assistant Elizabeth Apuan at ang mag-asawang sina Wency at Amy Andanar.

Mahigit isang oras tumagal ang pulong na binalangkas ang pansamantalang tatawagin na munang Philippine SEA Games Committee na mangunguna’t mangangasiwa sa preparasyon at pagdaraos ng biennial sportfest.

Tinapik ang Bukidnon solon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mamuno sa PH SEAG organizing committee noong Mayo kasama sina Rami­rez at Cojuangco na direktang nasa ilalim niya sa pamunuan bilang co-chairman.

Samantala, nagpaha­yag naman ang Vietnam na handang saluhin ang 2019 hosting sakaling umatras ang Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy