Una sa Balita

19 SAKSAK SA ST. LUKE’S NURSE

By
0 157

Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang registered nurse sa kamay ng hindi pa kilalang suspek makaraang saksakin ito ng 19 beses hanggang sa mapatay habang ang biktima ay
mahimbing na natutulog sa loob ng kuwartong inuupahan nito sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na report na natanggap ni QCPD Director Sr/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, mula kay PSupt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang Professional Regulation Commission (PRC) I’D at St. Luke’s Medical Hospital na si September Ann Paz y Malvar,  24, single, tubong Saratt, Ilocos Norte at kasalukuyan naninirahan sa inuupahan kuwarto nito sa No.0086 F3 Doña Juana Rodriguez St.Brgy. Kristong Hari ng nasabing lungsod.

Ayon kay Supt. Marcelo , na tamo ang biktima ng 19 malalalim na saksak sa kanyang likod at batok at maging sa kanyang kanang bahagi ng balikat.

Sa ginawang imbestigasyon ni PO2 Louie Serbito, lumilitaw na nangyari ang krimen dakong alas 4:40 ng madaling araw.

Posible umanong  mahimbing pa umanong natutulog ang biktima dahil hindi nito namalayan ang pagpasok ng suspek sa pamamagitan ng pagdaan sa jalousie na bintana sa kuwarto nito kung saan tinaggal ang siyam na pirasong jalousie glass.

Lumilitaw na nang mangyari ang krimen ay mag-isa lang ang biktima sa kuwarto nito dahil naka-duty rin umano sa St. Luke’s ang isa pang kasama nito.

Base sa naging pahayag nina Rachelle Ann Mayola at Julie Manaog na nakatira naman sa kabilang kuwarto bago madiskubre ang bangkay ng biktima ay nakarinig sila ng malakas na ungol sa labas at dahil sa sobrang takot ay agad umano nilang tinawagan ang kanilang landlord na si  Ronald Viana at tinawagan din nila ang biktima sa cellphone nito subalit hindi hindi na ito sumasagot.

Agad umanong nag-report sa kanilang Brgy. Ex-O si Viana na agad naman nagtungo sa kuwarto ng biktima. Dito na tumambad ang bangkay ng biktima na nakabulagta sa kanyang kama at naliligo sa sariling dugo at nakita rin sa paligid ng kuwarto ang nagkalat na dugo.

Blangko pa ang mga awtoridad kung ano ang tunay na motibo sa krimen dahil sinasabing kung pagnanakaw ang pakay ay nakita naman sa kuwarto ang Samsung cellphone ng biktima at maayos din umano ang paligid ng kuwarto nito.

Sinisiyasat  pa  ng lugar para malaman kung posibleng may closed circuit television (CCTV) camera na nakanakalagay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy