Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

19 rebeldeng Dabawenyo sumuko

0 147

NAGBALIK-LOOB sa pamahalaan ang 19 rebelde sa Davao del Norte, ayon sa Philippine Army.

Ito, ayon kay Eastern Mindanao Command (EastMinCom) chief LtGen. Greg Almerol ay dahil sa walang puknat na pagsuyod at pag-atake ng mga tropa ng pamahalaan sa mga rebelde.

Sumuko ang mga ito sa 10th Infantry Division’s (10th ID) 1003rd Infantry Brigade, 56th Infantry Battalion (56th IB), 89th IB, 27th IB, 3rd IB, at Intelligence units sa Sitio Pongpong, Barangay Dagohoy, Davao del Norte noong November 22, 2021.

Ang mga ito ay bahagi ng Sub-Regional Guerilla Unit, Sub-Regional Committee 5, Southern Mindanao Regional Committee.

Isinuko rin ng mga ito ang matataas na kalibre ng baril katulad ng M16 Rifles at M14 Rifle. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.