Una sa Balita

19 Pinoy natanggap sa Ireland pork factory

0 260

TATLONG batch ng mga Pilipino ang na-hire sa isang pig-slaughtering at bacon curing sa Ireland.

Natanggap ang 19 na Pinoy bilang meat processing operative sa McCarren Meats.

Mula ang mga naturang Pilipino sa Manila, Batangas, Rizal at Ilocos, ayon sa ABS-CBN report.

Dumating sila sa Ireland noong Agosto 2019.

Sila ang pinakamalaking grupo ng mga Filipino meat factory worker na dumating sa Ireland sa pamamagitan ng Irish Employment Permit Scheme.

Kabilang ang 19 Pinoy na manggagawa sa may 1,050 katao na nabigyan ng work permit upang punan ang kakulangan ng mga manggagawa sa Ireland sa meat proces­sing sector.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy