Una sa Balita

19 patay sa sagupaan sa India

0 329

UMABOT sa 19 katao ang nasawi dahil sa marahas na kaguluhan sa New Delhi, India dahil sa bagong citizenship law. Ayon sa ulat, isang senior official ng Guru Teg Bahadur Hospital at 15 iba pa ang nasa kritikal na kalagayan.

Tear gas at smoke grenade ang panabla ng mga pulis sa mga ibinabatong bato ng mga galit na mamamayan.

Ang nangyaring sagupaan ay kasabay ng pagbisita ni US President Donald Trump sa India.

Naganap ang kaguluhan matapos mahati ang mga mamamayan sa bagong citizenship law ng pamunuan ni Prime Minister Narendra Modi na karamihan ay mga Hindu nationalist.

Ayon sa mga kritiko, biased laban sa mga Muslim ang naturang batas at papahinain umano nito ang secular constitution ng India. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More