Una sa Balita

19 nasampolan ng liquor ban

0 220

UMABOT sa 19-katao ang inaresto sa Maynila sa pagsisimula ng dalawang araw na liquor ban kaugnay sa pagdaraos ng mid-term elections nga-yon araw.

Ayon sa Manila Police District, nasa pagitan ng ala-una hanggang alas-dos nang madaling-araw nang madakip ng mga tauhan ng Meisic Police Station 11 (PS-11) ang may 15-katao sa ilang KTV bars sa kanilang nasasakupan sa Muelle dela Industria sa Binondo.

Kabilang sa mga naaresto sa Ri-verside KTV Bar sina Junefel Acebes, 24-anyos; Edison Acuyado, 34; Anthony Casio, 34; at Joel Olisco, 35, habang naaresto naman sa 3M KTV Bar sina Angelito Manalac, 20; Marlon Amoroso, 19; Nestor Olmido, 26; at Angelo Medrano, 18.
Nabatid na sa Redlight KTV Bar naman naaresto sina Ariel Nolasco, 36; Jhon Paulo Cruz, 22; Prince Jimenez, 20; at FLorante Marabe, 60, habang sa Juancho KTV Bar naman natiyempuhang nag-iinuman sina Ariel Juanillo, 27; Jerry Ponelas, 20; at Marvin Alcantara, 30.

Dakong alas-dos nang madaling-araw naman nang madakip ng mga tauhan ng PS-11 sa Muelle De Binondo, kanto ng Tabora Street, sa Binondo, sina Jay-R Carllas, 21; Reynold Atillo, 30, barangay tanod; Peter Bajar, 54; at Renato Aji, 46.

Nagpapatrulya umano ang mga pulis sa mga nabanggit na lugar bilang bahagi nang ginagawa nilang pagbibigay ng seguridad sa kanilang nasasakupan dahil sa nalalapit na halalan, nang mamataan ang mga suspek na nag-iinuman. Labag umano sa Section 261 ng Omnibus Election Code o Liquor Ban kaya’t kaagad na inaresto ang mga ito at binitbit sa presinto.

Nabatid na ang Liquor Ban ay sinimulang ipairal sa buong bansa dakong 12:01 nang madaling-araw nitong Linggo.

Alinsunod sa Liquor Ban, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng mga nakalalasing na inumin habang isinasagawa ang eleksyon. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy