Una sa Balita

19 nahuli ng NBI sa illegal quarrying

0 408

NADAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 19 trahabador ng da­lawang kompanya na sangkot sa iligal na quarrying sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Pampanga.

Ayon kay NBI Spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin, kabilang sa mga naaresto ang mga manggagawa ng Sammi Vibro na sina Gi Man Lee, Jeong Sunmi, kapwa Korean national; John Paul Sumat, Jory Sabacan, Alberto Lingad, Joseph de Leon, Sandy Vosotros, Alex Basilio, Fernando Tomas, Tyron Manalo, Mark Glen Reyes, Rudy Libunao, Joey Madrona, Marcelino Bundoc, at Lamix Abogan sa Dolores, Bacolor.

Habang naaresto naman sa panig ng BM Marimla sina Alfer Nueva, Rodolfo Pineda, Higinio Javate at Ener de la Cruz sa Manibaug, Pasig, Pampanga.

Nalaman na nagsagawa muna ng beripikasyon ang NBI sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) at dito nalaman na wala silang permit para makapag-quarry.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy