Una sa Balita

19 immigration officer ng BI nag-quarantine

0 248

INIHAYAG ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Moren­te na ang 19 na immigration officer (IO) na sumakay ng barko na lulan ng mga pasahero mula sa China at sa Special Administrative Regions ang inilagay sa home quarantine bilang isang preventive measure sa gitna ng pagkalat ng 2019 No­vel Coronavirus Acute Respiratory Disease.

Sa isang pahayag sa media, sinabi ni Moren­te na ang 19 ay suma­kay sa limang magkakaibang mga cruise ship na may mga pasahero na bumisita sa China, Hong Kong, at Macau sa huling 14 na araw, at dumating sa pagitan ng Enero hanggang Pebrero.

“The 19 immigration officers did not exhibit any symptoms of the virus, and neither did the passengers that they inspected. They were assessed by competent personnel of the Bureau of Quarantine, who were part of the boarding teams that inspect arriving ships,” wika ni Morente.

“We are doing this as a preventive measure,­ to ensure that our officers are protected from the virus,” dagdag pa ng BI chief.

Binigyang diin ni Morente sa mga tauhan nito na walang dapat alalahanin dahil ang hakbang na ito ay naglalayong matiyak ang kaligtasan sa kalusugan ng lahat sa pamamagitan ng mga preventive measure. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More