Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

19-anyos walang face mask buking sa P170K shabu

0 379

Diretso sa kulungan ang 19-anyos na babae na sinita lamang sa hindi pagsusuot ng face mask sa Parañaque.

Sa ulat kahapon, nakaistasyon sa isang checkpoint sa Barangay San Dionisio ang pulis ng 1st Mobile Force Company kung saan napansin nila ang isang dalaga na walang face mask. Nang sitahin ito ng mga pulis ay napansin nila na tila kabado ang naturang baba, hiningi nila ang quarantine pass nito pero wala ring maipakita. Dito kusang loob nang inabot ng babae ang dalang paper bag.

Nang buksan ito ng mga pulis ay nakita ang 25 gramo ng suspetsang shabu na umaabot ang halaga sa P170,000.

Kaagad dinala sa Parañaque City Custodial Facility at kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.