Una sa Balita

18,000 sticks ng dinamita, natisod

By
0 2

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang tinatayang nasa 18,000 sticks na dinamita sa isang abandonadong minahan sa isang liblib na lugar sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Director Sr. Supt. Raul Supiter, nadiskubre ng mga residente ang mga pampasabog sa abandonadaong minahan ng Ippo China Mining Company sa Barangay Saripinang.

Tinimbrehan agad ng mga residente ang mga pulis ngunit kinuha ng ilang magsasaka ang ilan sa mga dinamita.

Dahil dito, nananawagan ang pulisya sa mga magsasaka na isuko na ang mga ito dahil bukod sa mapanganib, isang krimen ang pag-iingat ng mga dinami­ta.