Una sa Balita

1,800 planta ng ginto sa Diwalwal pinasara

By
0 516

INILUNSAD ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tatlong araw na programang “Lihok Alang sa Naboc” upang ipatupad ang isang closure order sa 1,797 ball mill at ang batch-type Carbon-in-Pulp (CIP) sa Bara­ngay Mt. Diwata (mas kilala bilang Diwalwal) sa Monkayo, Compostela Valley simula Sabado.

Sinabi ni DENR-Regional 11 Executive Director Ruth Tawan­tawan na panahon na upang ilipat na ang mga gold processing plants sa Diwalwal sa Mine Processing Zone sa ­Mabatas, Monkayo.

Aniya, pagkatapos ng 33-taon na walang permit at walang buwis, bibigyan pa rin sila ng sapat na panahon upang makalipat.

Ang mga operator ay binigyan na ng ultimatum na buwagin at ilipat ang kanilang mga planta sa Mabatas zone.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More