Una sa Balita

18-year-old long jump record: BURADO!

By
0 434

Binura ng rising star mula Bacolod ang matagal ng nakaukit na record matapos sungkitin ang gold medal kahapon sa 2017 Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa Ilagan Sports Complex, Ilagan, Isabela.

Naghari si Jose Jerry Belibestre ng Negros sa boys’ long jump event, nirehistro nito ang 7.43 meters upang burahin ang 18-year-old record na itinala ni Joebert Delicano sa Arafura Games sa Darwin, Australia noong 1999.

Isang taong gulang pa lang ang third-year BS Education student sa University Negros Occidental-Recoletos sa ­Bacolod City na si Belibestre nang itarak ni Delicano ang record.

Nakalawit ni Jericho Hilario ng San Beda College ang silver medal matapos ilista ang 6.82 meters habang bronze medal ang napunta kay Jhaelord ­Adriano ng Team ISU (6.80 meters).

Humarurot sa final ­four-kilometer mark si former national team star ­Julius Sermona ng Philippine Air Force zoomed upang angkinin ang men’s 10,000-meter run.

Si 38-anyos, Sermona na sumalang sa 2009 Laos SEA Games ay nagtala ng tiyempong 33 minutes at 29.78 seconds upang ungusan si Gilbert Laido ng Lucena City (33:32.28) at heavyweight ­Eduardo Buenavista ng Philippine Air Force (33:43.29) at hablutin ang gold medal.

“Mahirap po kasi kapag atleta, hinahanap-hanap ng katawan mo ang pagtakbo,” ani Sermona. “Medyo nageensayo na po ulit ako ngayon at baka sakaling makasama ulit sa national team.”

Ang nasabing prestihiyosong annual tourney na inisponsoran ng Ayala Corporation, Milo, Philippine Sport Commission at International Amateur Athletics Federation bilang co-presentors ay magsisilbing final tryout para sa national squad na lalahok sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur sa darating na Agosto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy