Una sa Balita

18 university sinuyod ng AFP sa ‘Red October’

By
0 629

INIISA-ISA ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila kung saan aktibo ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CCP-NPA) sa pagre-recruit ng mga mag-aaral.

Ito’y upang isama ng mga NPA ang mga mag-aaral sa kanilang planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag ni AFP Deputy Chief of Staff for Operations Brig. General Antonio Parlade, kabilang sa mga ginagalugad ay ang UP Diliman, UP Manila, PUP-Sta. Mesa, Ateneo, De La Salle, UST, Adamson, FEU, UE Manila/Caloocan, Emilio Aguinaldo College, Earist-Eulogio Amang Rodriguez, San Beda, Lyceum of the Philippines University, University of Makati, Caloocan City College, University of Manila at Philippine Normal University.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy