Una sa Balita

18 patay sa chopper crash sa Siberia

By
0 138

Isang Russian helicopter ang bumagsa­k matapos itong mag-takeoff sa Siberia noong Sabado, na agad na ikinamatay ng 18 pasahero.

Ayon sa Interstate Aviation Committee, bumangga ang Mi-8 helicopter sa nakalawit na cargo ng isa pang lumilipad na helicopter sa Vankor.

Walang pinsala sa ikalawang helicopter na ligtas na lumapag.

Abante Hiring – IT dep

Mayroong 15 pasa­hero at tatlong crew ang bumagsak na helicopter, ayon sa statement ng operator, ang UTair airlines.

Lahat umano ng pasa­hero ay nagtatrabaho sa subsidiary ng state oil company Rosnelt.

Ang UTair ay isa sa pinakamalaking airline company sa Russia, karamihan ay mga helicopter na ginagamit sa mga oil field ng Siberia.

Mayroon din silang fixed-wing flights para sa domestic at international destination.

Nabatid na ang bu­magsak na aircraft ay ginawa noon lang 2010 at ang piloto nito ay mayroong 6,000 oras na karanasan, kabilang na ang 2,300 oras na karanasan bilang isang piloto.

Noong 2012, isang UTair ATR 72 ang bumagsak sa Siberia na ikinamatay ng 33 katao mula sa kabuuang 43 sakay ng eroplano, matapos makalimutang isagawa ang ‘de-iced’ bago ang takeoff. (AP)