Una sa Balita

18 nalason sa pagkain ng butete sa Ozamiz

0 331

NALASON ang may 18 katao kabilang ang limang bata matapos kumain ng puffer fish o isdang butete bilang hapunan, Huwebes nang gabi sa Ozamiz City.

Ayon sa City Health Office, nakaranas ng matinding pagsusuka at pagkahilo ang mga biktima may ilang oras lamang matapos na kumain ng butete ang agad na isinugod sa pagamutan.

Ayon sa mga biktima, isang kapitbahay ang nakahuli ng mala­king puffer fish na nasa timbang na apat na kilo at niluto ito at ibinahagi sa kanyang mga kapitbahay.

Samantala, isang pasyente pa ang nasa ICU matapos makaranas ng body paraly­sis nang makakain ng maraming butete.

Agad namang sinuri ang sample ng nilutong puffer fish.

Ang butete ay nagtataglay ng highly toxi­c poison na “tetrodoto­xin”.

Bagama’t marami na ang namamatay sa pagkain ng butete, patuloy pa rin itong kinakain ng mga tao at isang specialty pa sa bansang Japan pero tanging lisensiyadong chef lamang ang maaa­ring magluto ng butete sa mga restowran sa Japan. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy