Una sa Balita

18 minasaker sa Papua New Guinea

0 350

Binistay ng bala ang 18 katao na kinabibilangan ng mga babae at paslit sa Papua New Guinea dahil sa pinaniniwalaang tribal feud.

Kaugnay nito ay nangako si Prime Minister James Marape na panagutin ang mga nasa likod ng brutal na pamamaslang na nangyari kahapon, Hulyo 10.

“In memory of the innocent who continue to die at the hands of gun-toting criminals, your time is up,” pahayag ni Marape sa kanyang Facebook page.

Si Marape na kaluluklok lang nitong Mayo ay nagbanggit na ang kakulangan ng pulis ang sanhi ng kaguluhan sa rehiyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy