Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

18 lindol pinaramdam ng Bulkang Taal

0 118

Panibagong 18 lindol at dalawang yugto ng volcanic tremor ang naitala ng Taal Volcano kahapon.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumagal ng 2-3 minuto ang nangyaring mga pagyanig.

SM food to go Banner Ad

“Mahinang pagsingaw, na may taas na sampung metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa main crater,” saad sa bulletin ng Phivolcs.
Bunga nito’y nananatili ang alert level 1 sa naturang bulkan na nangangahulugang “ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.