Una sa Balita

18 carat inidoro ninenok sa London

0 290

HINAHANAP ng mga awtoridad ang isang 18 carat toilet na ninakaw sa Blenheim Palace sa Oxfordshire, England nitong weekend.

Nauna rito ay ipinagbigay-alam sa pulisya ang panloloob sa Blenheim Palace kung saan naka-display para sa isang exhibit ang 18 carat gold toilet bowl na gawa ng Italian conceptual artist na si Maurizio Cattelan noong Sabado, Setyembre 14.

Ayon sa Thames Valley Police, alas-4:50 ng madaling-araw (British time) nang pasukin ng isang gang ang Blenheim Palace at tinangay ang mamahaling artwork.

Isang 66-anyos na lalaki ang agad na naaresto ngunit hindi pa natatagpuan ang inidoro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy