Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

18.2M Pinoy naturukan na

0 50

Nasa mahigit 18 milyon Pinoy na ang “fully vaccinated” laban sa COVID-19 mula noong Marso 1 nang simulan ang mass vaccination program ng gobyerno.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nakapagbakuna na ng may 41 milyon doses ng iba’t ibang COVID-19 vaccines hanggang nitong Setyembre 18.

Nabatid na tumanggap ng 59 milyon doses ng COVID19 vaccines mula sa iba’t ibang international manufacturers ang bansa. “Sa 40.9 million, 22.6 million sa first dose at 18.2 million sa complete dose, “ayonnkau Cabotaje.

Samantala, sinabi ni Cabotaje na maari pa rin bigyan ng 2nd doses ng bakunang Sputnik V kahit medyo natagalan ang vaccine dahil may ibang components at 1st and 2nd doses. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.