Una sa Balita

17M pondo ng Mariveles, Bataan nawawala

By
0 1,538

NADISKUBRE sa isinagawang cash examination­ ng Commission on ­Audit (COA) sa Municipal Treasury and Audit ng Mariveles, Bataan na nagkaroon ng shortage sa kanilang kaban na aabot sa P17 milyon na nakalagay sa cash vault ng naturang munisipyo.

Ayon kay Joseph Pereyra, presidente ng Mamamayan Laban sa Korapsyon, kanila umanong kinuwestiyon sa isinagawang cash audit ng COA noong March 2014 sa pamamagitan ng demand letter ang Municipal Treasurer na si Onofre Diuco at Cash Collection Officer Lydia Ramos kaugnay sa nawawalang pondo suba­lit wala itong malinaw na kasagutan.

Ipinagtataka rin umano ni Pereyra kung bakit hindi ginawan ng report o journal entry ng kanilang municipal accountant na si Danilo Cejalvo ang nawawalang P17 milyon.

Abante Hiring – IT dep

Dismayado ang grupo kay dating Mariveles Mayor Jesse Concepcion dahil wala man lang ipinataw na mabigat na disciplinary kina Diuco­ at Ramos sa halip ay inilipat lamang ng tanggapan si Ramos at ­kalaunan ay na AWOL sa serbisyo habang si Diuco ay inilagay naman sa floating status dahil sa mabigat na karamdaman na kanyang ikinasawi nito lamang nakaraang buwan.