Una sa Balita

17K suweldo ng yaya sa mambabatas

0 714

MISTULANG naka-jackpot ang kasambahay ng kapatid ng isang mam­babatas matapos itong suwelduhan ng P17,000 kada buwan.

Magaan na nga ang trabaho dahil tagapag-alaga lang ng tsiki­ting, daig pa ni yaya ang suweldo ng ibang nakapagtapos ng kolehiyo.

Pero natuklasan ni Mang Teban na hindi pala si utol ang nagpapasuweldo sa yaya kundi ang gobyerno mismo.

Ito palang si yaya ay ginawang ‘ghost emplo­yee’ ng mambabatas pero sa kapatid nagtatrabaho bilang tagapag-alaga ng anak.

Pumayag ang mambabatas sa ganitong arrangement pero sa kanya ang 50 percent ng suweldo.

Dahil P34,000 ang suweldo sa opisina ng mambabatas, P17,000 ang mapupunta sa kanya at ang kapupunan ay sa yaya.

Gumaya lang daw ang mambabatas sa gawain ng iba niyang kasamahan na kinakarga sa pondo ng gobyerno ang pagpapasuweldo sa kanilang mga helper sa bahay.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na may ghost employee na yaya ay marunong magsalita ng Bisaya at hindi na complicated ang love life. May letrang P sa kanyang pangalan as in Pikon.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More