Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

17K COVID case sa huling araw ng ECQ

0 198

Sumirit sa 17,231 ang mga bagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Agosto 20, kung kailan huling araw naman ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.

Nabatid na record high ito para sa daily COVID case sa bansa mula noong Abril 2, 2021 kung saan ay nakapagtala ng 15,310 bagong kaso.

Dahil sa mga bagong kaso ay umakyat pa sa 1,807,800 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID sa bansa.

Ayon pa sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 524, nakapagtala rin ng 5,595 na gumaling kung kaya’t nasa 1,653,351 na ang kabuuang nakarekober sa naturang sakit.

May 317 katao ang nasawi dahilan para umakyat sa 31,198 ang kabuuang namatay sa COVID.

Sumipa rin ang mga aktibong kaso na naitala kahapon sa 123,251.

Ayon sa DOH, maaari pang tumaas ang mga kaso ng COVID sa mga susunod na araw kung kaya’t binigyang-diin uli nito na dapat sundin ang mga minimum public health standard para hindi mahawa ng coronavirus.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.