Una sa Balita

176 todas sa Japan flood, Abe binisita ang apektadong lugar

By
0 790

Umabot na sa 176 katao ang namatay du­lot ng pagbaha at landslide sa western Japan kaya’t kinansela ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang biyahe sa Europe at Middle East upang mabisita ang mga lu­gar na tinamaan ng kalamidad.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, inikot ni Abe ang Okayama Prefecture sa­kay ng helicopter upang makita ang lawak ng pinsala ng baha.

Tumungo rin si Abe nitong Miyerkoles sa evacuation center sa Kurashiki, isang siyudad na dahil sa umapaw na tubig sa ilog ay binaha ang mga residential area na ikinamatay ng 40 katao.

Nagpadala na ng 75,000 responder sa lugar upang magsa­gawa ng search and rescue operation, kung saan nasa ikalimang araw na nang paghahanap sa mga missing person.

Ilang daang libong katao ang lumikas sa kasagsagan ng pag-ulan noong nakaraan­g linggo, marami sa ka­nila ay na-trap sa bubong ng bahay, habang dumadaloy ang mala­kas na agos ng tubig baha.