Una sa Balita

176 kilo ng bocha kinumpiska sa La Union

0 376

NASA 176 kilo ng bocha o ­double dead na karne ng baboy ang kinumpiska sa isinagawang meat checkpoint kontra African swine ­fever Task Force (ASF-TF) sa ­Bauang La Union noong Lunes.

Sinabi ni Bauang municipal ­agriculturist Rebecca Sabado, na ang naturang double dead na karne ay ipagbibili sa merkado ng ­nasabing bayan kung hindi ito ­nasabat ng ASF-TF.

Sinabi ni Sabado, naharang ng pulisya ang nasabing hot meat na galing umano sa bayan ng Aringay sa nasabing lalawigan.

Ayon kay BPS deputy chief-of-police P/Lt. Juan Casem Jr, ­nakalagay sa sako at isinakay sa isang pick up ang nasabing double dead na karne ng baboy.

Pinaalalahanan ng BPS ang mga vendor na mag-ingat sa mga ­ibinentang karne ng baboy at ­siguraduhin na ito ay may ­kaukulang dokumento bago ­ibenta sa merkado. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More