Una sa Balita

174K niyog sa Romblon apektado ng cocolisap

0 203

UMABOT na sa 174,888 na puno ng niyog sa ba-yan ng Calatrava at San Agustin ang apektado ng cocolisap ayon sa pamunuan ng Philippine Coconut Authority-Romblon (PCA-Romblon).

Ayon kay P­rotacio Rubia, Agriculturist II ng PCA-Romblon, sa pinakahuling datos ng kanilang opisina na kinalap hanggang Hunyo 14, halos 5.98% ng niyogan sa bayan ng San Agustin ang apek­tado ng cocolisap habang 24% naman ng niyogan ang apektado sa Calatrava.

Sa pangkahalatan umano ay mayroong 7,820,095 na puno ng niyog na nakatanim sa 58,270 hectares na niyogan sa probinsya.

Aabot na rin umano sa mahigit P1.1 million ang nagastos ng ahensya sa ginagawa nilang pruning activity sa mga apektadong puno simula noong Marso 2018.

Ang mga cocolisap ay isang mga insekto na umaatake sa mga puno ng niyog sa pamamagitan sa pagkain sa kanilang mga dahon, bunga at bulaklak kung saan tanging trunk nalang ng puno ang matitira.

Paliwanag ni Rubia, mas mabilis kumalat ang mga cocolisap lalo kapag mainit ang panahon ngunit sinisiguro umano niya na patuloy ang ginagawa ng PCA na aksyon para mabawasan ang pagkalat ng mga cocolisap sa iba pang niyogan. (Paul Jaysent Fos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy