Una sa Balita

172 kandidato humirit ng police escort

By
0 509

Karagdagang police escort ang hiling ng mas nakararaming kongresista na tumatakbo ngayon sa midterm election.

Ayon kay Police Brigadier General Filmore Esco­bal, director ng Police Security and Protection Group, umaabot sa higit 172 politiko at pribadong indibi-dwal ang humiling ng police escort kung saan base sa record, karamihan sa mga humihiling ay mga tumatakbong kongresista.

Nangunguna sa listahan ang may 72 congressman, walo sa senador, 24 govern­ment official, 21 LGU official kabilang ang governor, mayor at konsehal at 47 ang private individual.

Sinabi pa nito na dalawang police escort lamang­ ang ibinibigay sa bawat aplikante maliban sa may mataas na banta sa kanilang buhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy