Una sa Balita

170 gov’t website nag-shutdown

By
0 664

NAHIRAPANG maka-access sa 170 government website kahapon dahil sa server malfunction.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio, nagkaroon ng problema sa hardware kaya nag-malfunction ang isang server ng gobyerno at naging dahilan para mag-shutdown ito.

Ayon kay Rio, nasa 170 government website ang naapektuhan ng shutdown ng server kaya hindi ma-access ngayon ang mga ito.

Alas-tres nang hapon noong Lunes nang ma-monitor ang malfunction ng server kaya kinontak na ng DICT ang IBM para maayos ang problema.

Ikinatuwiran pa ni Rio na may anim na taon na ang server ng gobyerno kaya marahil bumigay ito dahil sa kalumaan na.

Target aniya na maayos ang problema sa loob ng linggong ito.

Kabilang sa mga naapektuhang website ang official online gazette ng pamahalaan, DICT, Department of Health, Department of Science and Technology at Presidential Communications Operations Office. (