Una sa Balita

17 sabungero nalambat sa Pasig

0 303

Arestado ang 17 sabungero matapos malambat sa isinagawang raid sa tupadahan sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, kamakalawa nang umaga.

Nakilala ang mga inaresto na sina Raffy ­Amion, 29-anyos; Randy Lampayan, Demetrio Uribe, ­Marcelino Belarmino, Delfin Gadia, Jason Obarco, Robinion Mulano, Roberto Mulano, Angelo Lopez, Gregorio Copreira, 63-anyos; Luisito Tapan, Zaldy Tuazon, Arnold Regalario, Jeffrey Saballa, Jeffrey Jutay, Rey Mendezabal, 47-anyos, at Joel Asayas, 49-anyos, may-asawa, pawang mga residente ng Pasig City.

Base sa ulat ni PCP-8 P/Lt. Ruperto Martin ­Sazon, inaresto ang mga suspek sa isinagawang ­illegal gambling operation bandang alas-11:00 Sabado ng umaga sa Sandoval Compound, ­Nagpayong, ­Barangay Pinagbuhatan.

Nabatid na ginagawang tupadahan ang ­nasabing compound at matagal nang inirereklamo ng mga residente ang sugalan dahil sa pag-iingay ng mga mananaya.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P7,620 halaga ng pustaat kasakuluyang nakakulong sa ­Pasig detention cell at nahaharap sa kasong ­paglabag sa PD 1602. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More