Una sa Balita

17 patay sa coronavirus: Biyahe sa Wuhan, China pinatigil

0 265

Ipinatupad na ang travel ban sa Chinese city na Wuhan para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ito’y matapos agad lumobo sa 17 katao ang nasawi sa bagong virus, lahat sa kanila ay nagmula sa Hubei province, na kabisera ng Wuhan.

Mahigit 570 katao naman ang infected nationwide, ayon sa Washington Post.
Nai-report na rin ang virus case sa United States, Japan at South Korea.

Naniniwala ang mga Chinese health official na nagsimula ang virus sa dugyot na food market na nagbebenta ng mga wild at exotic animal bilang pagkain.
Ang mga ahas umano ang malamang na pinagmulan ng virus, ayon sa limang Chinese scientist sa Journal of Medical Virology.

Sa kabila naman ng isang araw na pagpupulong sa Geneva, inanunsyo ng World Health Organization emergency committee na hindi pa sila magdedeklara ng ‘global emergency’ dahil sa bagong virus. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More