Una sa Balita

17 patay, 24 nawawala sa hagupit ni ‘Rosita’

By
0 203

LABINGPITONG katao ang nasawi sa panana­lasa ni bagyong Rosita kung saan karamihan ay mula sa nangyaring mga landslide sa Cordillera Admi­nistrative Region (CAR).

Sa pinakahuling police report, alas-sais nang umaga, 24 katao ang nawawala, 23 dito ay mula sa CAR habang 11 ang sugatan.

Ang 23 nawawala ay pinaniniwalaang natabunan ng buhay sa ilang gusali kabilang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) shelter sa Nitonin, Mountain Province.

Umaabot na umano sa limang bangkay ang nahukay sa guho.

Samantala, aabot sa 10, 808 evacuees ang nananatiling nakatira sa 5,111 evacuation center sa Calabarzon area.

Sa hiwalay na report, may anim na kataong natagpuang buhay sa gumuhong gusali ng Mountain Province Second District Engineering Office (MPSDO) ng DPWH dahil sa nakalipas na bagyo.

Kinilala ito na sina Joventino Lamawen, Innocencio Gollingay, Fritz Gerald Lumpanga, Jupiter Gaawan at Jun Jun Machanum.
Patuloy pa ang clea­ring operations sa mga kalsada patungo sa Natonin para mas mabilis ang pagresponde ng mga emergency team na dadaan sa bayan ng Paracelis.

Dumarami na rin ang mga responder mula sa ibang lugar na patu­ngo ngayon sa Natonin para tumulong sa gagawing search, rescue and retrieval operations at umaasa na mayroon pa silang makikitang buhay sa gumuhong gusali.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy