Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

17 lugar, signal no. 1 kay `Maring’

0 70

Labimpitong lugar na ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa bagyong si Maring.

Batay sa 11AM bulletin ng PAGASA kahapon, ang mga tinukoy na lugar na nasa signal no. 1 ay Batanes,
Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Northern portion of Benguet (Buguias, Bakun, Kibungan, Mankayan), Ilocos Norte, Ilocos Sur, Catanduanes, Eastern portion of Northern Samar (San Roque, Pambujan, Las Navas, Catubig, Laoang, Mapanas, Lapinig, Gamay, Palapag, Mondragon, Silvino Lobos), Eastern portion of Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Hinabangan, Paranas), Dinagat Islands, Surigao del Norte

Huling namataan ang bagyo sa layong 730 kilometro silangan ng Tuguegarao, Cagayan at taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 85km/h at pagbugso na 105km/h.

Kumikilos ito sa direksyon na pahilaga, hilagang kanluran sa bilis na 30km/h.

Inaasahan na lalapit ito sa Babuyan Islands ngayong gabi, Oktubre 11 o bukas ng madaling araw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.