Una sa Balita

17 lang sa 837K nabakunahan ng Dengvaxia ang delikado sa dengue

0 282

MAY kabuuang bilang na 837,902 ang mga taong nakatanggap ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia, pero 17 lamang sa mga nabakunahan ang posibleng magkaroon ng malubhang antas ng dengue, batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa inilabas nitong pahayag kahapon kaugnay sa rekomendasyon ng komite ng Kamara matapos ang isinagawang imbestigasyon sa kontrobersyal na bakuna kontra dengue na ginawa ng Sanofi Pasteur, isang multinational pharmaceutical company.

“Batay sa records, may kabuuang bilang na 837,902 ng taong nakatanggap ng kahit isang dose ng Dengvaxia. Tinataya na 90% daw ng katao sa bansa ang na-expose na sa dengue. Ang tinatayang hindi pa nagka-dengue ay 10% naman. Ang sabi: .02% ng naturang 10% ang may riskong magkaroon ng severe dengue. Paano tinatala ang .02%? Sa calculator, ito ay: .002 o 2 kada 10,000. Para ma-compute ngayon ang .02% ay kunin ang 10% ng 837,902. Ito ay 83,790.2, saka i-divide ito sa 10,000; tapos ay i-multiply sa 2. Ang resulta ay: 16.758, o pag-rounded off ay 17. 837,895.

Bibigyang-diin ko po: 17 lang sa kabuuang bilang na 837,902 ng nabakunahan ang BAKA magkaroon ng Grade I at II na severe dengue,” sabi ni Aquino.

Dagdag pa ng dating Pangulo na nagkaroon na ng mga pagdinig tungkol sa naging immunization program ng DOH, at mas napag-usapan ito nang inanunsyo ng Sanofi na mataas ang risk na magkaroon ng severe dengue ang mga taong nabakunahan ngunit hindi pa tinatamaan ng nasabing sakit.

Sinabi rin ni Aquino na kasalungat ng sinasabi ng committee report, ay hindi umano ito nakatanggap ng anumang pahayag na nagbibigay ng babala hinggil sa Dengvaxia simula nang planuhin ito. Hinimok din ng dating Pangulo na ilabas ng komite kung saan galing ang pahayag nitong nagsasabi na may mga nagbabala na o kumontra hinggil sa kontrobersyal na bakuna bago pa ito mailabas sa publiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy