Una sa Balita

17 katao nabaon sa mudslide sa California

By
0 941

Masusi ang isinasagawang paghahanap nitong Miyerkoles sa mga biktima ng mudslide sa southern California kung saan 17 katao na ang naiulat na namatay.

Nakaligtas man sa wildfire noong Disyem­bre ang mga residente ng Montecito at Santa Barbara County, binaha naman sila ng hanggang bawyang na putik at debris dulot ng walang tigil na pag-ulan noong Martes.

Ang nasabing komunidad ay pinamamahayan ng Hollywood celebrities katulad ni Oprah Winfrey na nag-post pa ng vide­o ng kanilang bahay na binalot ng hanggang tuhod na putik.

Si Winfrey ay na­ging laman pa ng pahayagan nitong nagdaang araw dahil sa posibleng isabak ito ng Democrats laban kay US President Donald Trump sa 2020 presidential elections.

Residente din ng Montecito ang talk show host na si Ellen DeGeneres kung saan nag-post ito ng litrato sa Twitter na nakatayo sa putikan katabi ang punong nabuwal sa tabi ng kanyang bahay.