Una sa Balita

17 biktima ng trafficking naharang sa Mactan airport

0 360

Napigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang 17 hinihinalang biktima ng human trafficking na umano’y iligal na ni-recruit upang magtrabaho bilang household service worker (HSW) sa Middle East.

Noong Oktubre 16 at 17 nang mapigilan ang mga biktima, na pawang babae at nagpanggap na mga turista, sa kanilang mga flight papuntang Hong kong at Macau sa ruta na patungo sa kanilang panghuling destinasyon sa United Arab Emirates at Qatar.

Posible umano na ni-recruit ang mga bikti­ma ng isang sindikato na nag-book naman ng maraming flight para hindi umano ma-trace ng mga immigration officer sa tunay na pakay nila na makapagtrabaho sa ibang bansa nang walang dokumentasyon.

Ayon pa sa BI, kaugnay ng malakas nitong kampanya laban sa human trafficking, agad na inalerto ang mga port sa labas ng Maynila at pinaigting pa ang pagbabantay kasunod ng insidente. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy