Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

17-anyos tiklo sa Cavite buy-bust

0 143

Tuluyan nang pi­nu­tol ng mga operatiba ng Cavite Police ang umano’y pagtutulak ng isang tinedyer na sa murang edad ay nasa lista­han na ng barangay watchlist nang matiyempuhan sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite City, Martes ng gabi.

Kinilala ang inarestong binatilyo na si Josh (hindi tunay na pangalan), 17 taong gulang, residente ng Cavite City.

Sa ulat ni P/SSg. Elfe Galit ng Cavite City Police Station, dakong alas-10:36 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite CPS sa Barangay 37A ng naturang lungsod kung saan target ang suspek.

Agad umanong nakipagtransaksiyon ang tinedyer sa poseur buyer subalit hindi niyang inakalang pulis ang kanyang katransaksiyon na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto at pagkakarekober ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.